Xerenader's Perfect World
Paghihiganti 3
Chapter 3: Nagbalik si Ana
          Palabas na ako ng silid-aralan nang makita ko si Jenny sa harap ng silid-aklatan. Agad ko siyang nilapitan at habang pinagmamasdan ko siya ay nakikita ko sa kanya si Ana. Hinagkan ko siya ng mahigpit. Sa pagkakataong iyon ay gusto kong makasiguradong si Ana ang aking kayakap. “Ana, ikaw ba yan?”. “Oo Rick, ako nga ito at nagbalik ako para sa iyo.”, tugon ni Ana. “Anong ginagawa mo diyan sa katawan ni Jenny?”. “Hinihiram pansamantala Rick. Nais kong balaan ka sa kung ano mang darating.”, sagot ni Ana. Hindi ko maintindihan ang sinasabi ni Ana sa akin nang mga oras na iyon kaya tinuloy ko ang pagtatanong. “Ano ba itong sinasabi mong darating Ana? Bat kailangan mo pa akong balaan?”. “Hindi pa ito ang tamang panahon Rick para malaman mo. Ang mahalaga, alam mong andito lang ako sa tabi mo para bantayan ka. Ipangako mong wala kang pagsasabihan na nagkausap tayo.”. “Oo, mahal ko. Basta ipangako mo ring di na tayo magkakawalay pa”, mariin kong tugon. “Hindi maaari Rick. Hindi ako maaring magtagal sa katawang ito. Lalo pat hindi pa ako sigurado kung sino. Basta ang importante, mahal kita Rick!”. “Mahal din kita Ana, pero sino yung tinutukoy mong hindi mo sigurado ? Maaari bang…”. “Ana!? Hindi ako si Ana Rick. Ako si Jenny. Nababaliw ka na ba? Matagal ng wala si Ana.”. Wala na pala sa katawan ni Jenny sa mga oras na iyon kaya naman napagpasyahan kong iwan na lamang si Jenny at bumalik sa silid-aralan. Agad din siyang sumunod sa akin na walang maalala mula pa nang magsimula ang klase.
          Nakabalik na kami ni Jenny sa loob ng silid-aralan. Hindi pa rin mawari ng aking isipan ang mga bagay na napag-usapan namin ni Ana. Maghapon kong inisip ang mga bagay na sinabi sa akin ni Ana at kung sino ang tinutukoy niya. Hindi pa rin ako makapaniwalang kayang magbalik ng isang kaluluwa at makipag-usap sa mga taong gusto nilang kausapin. Ang buong akala ko’y nabubuhay lang ang tao at pagkatapos nun ay nawawala nalang ng parang bula at ipinapanganak muli. Ngunit mali pala ako, sadyang napakahiwaga ng buhay.

           Natapos na ang klase at naghahanda na ang lahat sa pag-uwi. Sabay kaming lumabas ni Alice sa silid-aralan. Tinanong niya ako kung bakit natagalan ako sa paglabas kanina at kung bakit magkasama kami ni Jenny na pumasok sa silid-aralan. Naalala ko ang bilin sa akin ni Ana na wala akong pagsasabihan na kahit na sino kaya agad kong iniba ang usapan namin hanggang sa nakarating kami sa bahay nila Alice. “Pasok ka muna at magmerienda tayo.”, yaya ni Alice. “Sa susunod nalang Alice, kailangan kong umuwi ng maaga ngayon. May pinapagawa pa si mama sa akin.”. “Ah, ganoon ba? Sige ok lang. Pero sa susunod huwag kang tatanggi ha?”. “Sige ba, ako pa. Kung di lang sana ako pinapauwi edi kinain ko na lahat pati merienda mo.”, pabiro kong sabi kay Alice. “O ayan, edi ngumiti ka rin. Alam mo mas gwapo ka kapag nakangiti. Mas marami kang magiging chicks niyan!  Hehe. Pag nakasimangot ka kasi para kang isang matandang tuod. Haha.”. “Asa naman to, matagal ko ng alam na gwapo ako. Kahit di mo pa sabihin haha. O siya, aalis na ako.”

Paghihiganti 2

Chapter 2: Si Jenny Lumipas ang gabing puno ng hinagpis, ay sinundo ako ni Alice para pumasok. Si Alice ang matalik na kaibigan ni Ana. Simula ng mawala si Ana ay siya na ang laging sumusundo sa akin sa bahay para pumasok sa paaralan. Masaya siyang kasama at sa mga panahong ako’y nalulungkot ay nandiyan siya upang patawanin ako. Sa aming paglalakad ay tinanong ako ni Alice kung okay na ako at sabi ko naman ay okay na kahit papano. Niyaya niya akong lumabas sa sabado dahil wala naman daw kaming gagawin. Di ko siya matanggihan dahil na rin sa bukod sa naging malapit na kami sa isa’t isa ay matalik siyang kaibigan ni Ana. Nakarating kami sa paaralang aming pinapasukan at bago pa man kami makapasok sa silid aralan ay bigla na lang akong hinalikan ni Jenny. Nagulat ang lahat at maski ako man ay nagulat din dahil na rin sa kanyang ginawa. Di ako nakagalaw sa aking kinatatayuan dahil ang halik na iyon ay gaya ng halik ni Ana. Maya-maya pay bigla na lang natumba si Jenny at nawalan ng malay. Dali-dali ko siyang inalalayan at ilang minuto lang ang nakalipas ay nagising si Jenny. Tinanong niya ako kung anong nangyari na para bagang di niya maalala ang ginawa bago pa man mawalan ng malay. Napatingin ang lahat sa kanya at bakas sa kanilang mga mukha ang pagtataka. Bago pa man ulit ako makapagsalita ay nagulat nalang ako nang biglang sampalin ni Alice si Jenny. “Di mo alam kung anong ginawa mo?”, sabi ni Alice. “Wala talaga akong maalala. Ano ba kasing problema mo? Wala naman akong ginagawa sa iyo ha!”, tugon ni Jenny. “At ako pa ngayon ang may problema? Tanungin mo kaya ang lahat ng nandito kung anong ginawa mo! Kapal ng mukha mo! Tayo na nga Rick!”. Agad kaming pumunta sa aming inuupuan na hanggang sa mga sandaling iyon ay gulat pa rin dahil sa mga pangyayari.

Read more…

Paghihiganti

CHAPTER 1: ANG SIMULA

            Dalawang taon na ang nakalipas mula ng
pumanaw si Ana at ramdam ko pa rin ang sakit. Hanggang sa ngayon,
sinisisi ko pa rin ang aking sarili sa nangyari sa kanya dahil buhay pa
sana siya ngayon kung dumating ako sa tamang oras. Sa tuwing naaalala ko
ang mga sandaling iyon ay di ko mapigilan ang poot ko sa aking sarili
na sa sobrang galit ko ay napapasuntok ako sa pader. Kahit na ramdam ko
ang sakit ng sugat ng aking nagdurugong kamao ay di nito matutumbasan
ang sugat sa aking puso.

Read more…

http://xerenader.blogspot.com

anghirapmagisipngblogname:

guys pavisit naman ng blog site na to.. 

http://xerenader.blogspot.com

blog site ng friend ko .. share ko lang. ang gaganda kasi ng pinopost. :)

Try to read this

dollequin:

jeanbugoverload:

letnobodytakeyoursmileaway:

swaggalikebiebs:

ohsheena:

demonseatbread:

fuckyeahbiboy:

wetouchifeelarush:

“eeht ot live fo retsam eht nommus”





Now, read it backwards.

















This is an Satanic chant.





You’ve officially been cursed.





Reblog within 30 seconds or the power of Evil will take over.

HELLO EVERYONE.

Fine, if I must.

Bye SATAN.

SATAN, F YOU

no chances taken

S you are not nice

OMFG

I KNEW IT

Reblog if you want messages (4)

tumbangpreso:

benbrucesjewfro:

  • opinion about your blog
  • a question
  • and a have you ever
  • rating out of ten 

Definitely. message me this since i can’t write something good. WAG NA KAYO MAG ANON.

Ulan

Unti-unti ng bumabalot ang kadiliman sa kapaligiran kasabay ng pagbuhos ng ulan. Andito pa rin ako sa lugar kung saan una tayong nagkita at nagkakilala. Inaalala ko ang mga sandaling tayo’y magkasama, masaya at walang pangamba. Araw-araw tayong magkasama papunta ng eskwelahan at pag-uwi’y lagi kitang hinihintay sa labas ng inyong silid-aralan upang makasabay sa pag-uwi at makinig sa iyong mga kwentong nagpapasaya sa aking puso.

Read more…

Bakit maraming SAWSAW

Medyo nabadtrip ako kagabi nang mareceive ko ang isang text message sa isang reliable source. May binalita kasi siya sa akin tungkol sa isang taong mahilig makisawsaw sa mga bagay bagay. Marahil alam niyo na kung sino tinutukoy ko pero gusto ko lang sabihin na bakit siya ganun? May hinanakit ba siya sa akin or sa atin?

Read more…

Lagi kitang pinagmamasdan sa tuwing papasok ng paaralan. Maging sa loob ng silid-aralan ay ikaw lamang ang aking nasa isipan. Matagal na akong may paghanga sayo. Simula sa unang taon natin sa paaralan ay sadyang natamaan na ako sayo. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayo’y ikaw pa rin ang nasa aking puso’t isipan. Apat na taon na rin akong may paghanga sayo ngunit ni minsan ay di ko man lang nasabi ito. Sa tuwing magkakalakas ako ng loob upang sabihin sayo ay siya namang pagsulpot ng mga nanliligaw sayo. Hanggang kelan ko pa kaya kayang itago ang nararamdamang ito? 

Read More…